Marahil ganyan ng sagot ng mga ibang magkasintahan (kasali na ako dun haha) ngunit may mga nagsasabi rin na mas maipaparamdam mo na mahal na mahal mo siya kapag kaya mo na siyang iharap sa Panginoon at mangako na siya lang ang bumubuo sa puwang ng iyong buhay maging ng iyong puso at mamahalin hanggang sa kamatayan. <3
Kung sa usapang pagpapakasal, mayroong dinadayong isang napakagandang simbahan dito sa Probinsiya ng Tarlac na tampok na tampok sa pagpapakasal ng mga taong nangangako at nanunumpa sa ngalan ng pagibig. Ito ay ang Shrine of St. Therese of the child Jesus" na matatagpuan sa Poblacion Sentro, Ramos, Tarlac. Ito ay isang napakagandang dambana/ simbahan na dedikado kay St. Therese (mas kilalang si Sta. Teresita ng batang Hesus) Siya ay isang Carmelite na madre na nag-alay ang kanyang buong sarili ng Panginoon at kilala rin siya sa kanyang taglay ng pagpapakababangloob (super humility).
Bakit naman binansagan ang simbahan na ito bilang "wedding capital of Tarlac"? Bukod sa maganda ang harap nito, taimtim din kapaligiran ng simbahan lalong lalo na sa loob (nasa larawan). Hindi ito masyadong maliwanag at hindi rin masyadong madilim. Napakaganda rin ang istruktura ng altar nito. Ang maganda pa rito ay napakataimtim ng seremonya o pagdidiwang ng banal na misa lalong lalo na kapag dating sa mga kasalan. Ang simbahan na ito ay naka-aircondition na kaya hindi mainit sa loob kahit maraming tao. Kumpleto rin ang kanilang mga pasilidad. Pwede na ring magsagawa ng piktoriyal sa mga hardin nito. Ang napakagarbong hardin ng simbahan ay nasa kaliwang bahagi nito. Dahil sa mga katangian nito, maraming ang may mas gustong magpakasal dito.
Kaya kung sa pagpapakasal, nandito lang ang Shrine of St. Therese sa Ramos, Tarlac. Bukod sa taimtim na pagdidiriwang ng kasal at banal na misa, ramdam mo rin dito ang tunay na pagibig kahit wala kang kasintahan dahil nandito ang tunay ng pagibig- ang Diyos 0:)
" When one loves, one does not calculate"
- St. Therese of the Child Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento