Isang simbahan sa Tarlac ang magiging isang sanctuario sa darating na ika-24 ng Pebrero 2018. Natupad na rin ang aming pangarap na maging isang ganap na sanctuario ang aming simbahan. Ang simbahang ito ay nagngangalang "Parroquia de Nuestra Senora dela Merced". Ito ay dedikado sa titulo ng Mahal na Birhen Maria na tumubos sa mga inaaping Kristiyano sa kamay ng mga Moro. Ipinagdidiwang ng mga parokyano ang kapistahan ng anibersaryo nito tuwing ika-24 ng Setyembre na nasasakto sa kapistahan ni Maria bilang Virgen dela Merced. Dobleng pagdiriwang.
Maganda ang lugar na ito kung pananalangin ang pag-uusapan. Meron itong tahimik at taimtim na paligid lalo na kapag ikaw ay nasa loob. Ayon sa iba, nararamdaman nila na malakas ang presensya ng Diyos at ni Apung dela Merced sa simbahang ito. Kung gusto niyo namang magsimba at damhin ang presensya ng Diyos, ipinagdidiwang ang banal na misa sa ganap na 6:15 am (Lunes hanggang Sabado) habang 7:00 am, 8:30 am at 5:00pm naman tuwing Linggo. Sa likod ng simbahan meron itong grotto na pwede mong hulugan ng barya pagkatapos ng magdasal.
Pinaniniwalaan dito na kapag nagdasal na sa grotto at naglagay ka ng barya sa tubig, matutupad ang panalangin mo. Sa kaliwang bahagi ng simbahan ay mayroong candle room. Sa candle room, titirik ka ng kandila, may babasahin kang mga panalangin at pagkatapos sabihin mo na ang binubulong ng iyong puso. At ayon sa marami, nasagot ang kanilang mga panalangin dahil sa makapangyarihang panalangin kay Apung dela Merced- at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakumbinsi ang obispo na gawin itong sanctuario. Dito, hilig din ng mga parokyano ang makilahok sa mga aktibidad pamparokya katulad ng prusisyon na ginagawa kada Unang Sabado ng buwan, at pista. Mayroon ding novena alay sa patron kada Miyerkules. Isa nanaman itong dahilan kung bakit idedeklara ito bilang sanctuario.
P.s. ang simbahang ito ay nasa Brgy. Matatalaib, Tarlac City along Matatalaib Road :)
Mga iba pang larawan: